Dalawang araw na lang. Parang .. hahahaha! Itatawa ko na lang ito. Kasi, tipong alam ko naman tas go pa rin tas eto na tayo ngayon. Hay nako. Yan. “Yan ang napapala kapag pinapanalo mo ang puso.” Tangenang puso. Traydor. Pero, sige. Okay lang kunwari tayo, kahit tagilid na mag-isip. ‘Sus naman. Mas malupit naman siguro ang mga napagdaanan ko kaysa ito. So bakit nagkakaganito? Reaction lang. Shempre, nasanay tapos mawawala. Ganun lang yun. Mawawala din ang pakiramdam ng pangangailangan. Kailangan lang magkaroon ng panibagong bagay na mapapagtuonan ng pansin. Para hindi doon parating nakatingin. Para hindi iyon parati ang iniisip. Hindi naman siguro mahirap yun, diba? Ngayon lang yan masakit/mahirap. Mawawala din ito. Pagkatapos ng ilang linggo o ilang buwan, parang panaginip na lang ang lahat. Napapaiyak lang naman ako tuwing babalikan ko ang tanong ko kung bakit napakadaling palitan ako tas ako, na wala namang ginawa kundi ang tama, andito, naghihirap, nasasaktan. Pero kapag hindi ko binabalikan ang tanong na yun, okay lang ako. Mahirap nga lang kalimutan ang tanong kasi mag-isa ka lang. Mag-isa lang ngayon, bukas, sa makalawa, sa sunod na linggo, sa sunod na buwan, sa susunod na taon. Mag-isa. Parating mag-isa.

3 Trackbacks/Pingbacks

  1. By Catch me if you can « uneditedmara on 01 Sep 2008 at 9:03 pm

    [...] matter. My energy rivals that of a slug and enthusiasm that of a sloth. Drinking and smoking were coping mechanisms and couldn’t be done away with. So with half-hearted determination, I set [...]

  2. By An EMO Crossword « uneditedmara on 10 Sep 2008 at 7:01 pm

    [...] “Mag-isa lang ngayon, bukas, sa makalawa, sa sunod na linggo, sa sunod na buwan, sa susunod na taon. …“ [...]

  3. By Song post « uneditedmara on 17 Sep 2008 at 2:35 pm

    [...] I want to go into hiding. The whole thing is turning me into a pathetic sight. You’ve been there or at least seen it, right? PMS [...]

Post a Comment

*
*